Jump to content
<?php echo esc_attr( get_bloginfo( 'name' ) ); ?>
The #1 Writing Tool

dhiemhie0127

Advanced Member
  • Content Count

    52
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Everything posted by dhiemhie0127

  1. Mahabang istorya po sir. saka ko na po ikukwento. May mga ups and downs din po. Sa ngaun po masasabi ko na di pa kami gaanong successful. May mga bagay pa kasi kaming inaayos. I will keep posted here po. Thank you.
  2. Hi Sangio, How are you na ni cousin mo? If di mo mamasamain, ano ang ikinamatay ng panganay nyo? Thank you..
  3. ehehe.. Ok naman Sir pooch.. ganun pa din. Wala naman ipinagbago mula nung huli akong nagpost.. 5 years old na yung anak namin. nasa Kindergarten na sya...
  4. Hi Chanel.. Im hoping that you will read this message na nasa maayos kang kalagayan.. It's been a long time since the last moment i posted here. Based sa tanong mo, okay naman ang baby namin nuon naisilang sya. Maliban lang sa infection na natamo nya nuon nagbubuntis sya.. nagkasakit kasi sya nung nasa early stage pa lang sya ng pagbubuntis. Yun yung mga time na hindi pa alam ninoman (maliban sa aming dalawa) na nagbubuntis na pala sya.. Pero okay naman ang kalusugan nya ngaun till now.. She's 7 years old na. Nasa Kindergarten na sya.. We're living together sa bahay namin with my parents and siblings although tutol talaga sa amin ang tatay ko.. Binabale wala ko lang kahit ilang ulit na nya (tatay) akong kinausap tungkol sa aming dalawa.. Sa ngayon, focus na muna ako sa aming pamilya.. Lagi ko na lang din ipinapanalangin sa Diyos na gabayan kami at sana kung ano man ang plan Nya, sana sa ikabubuti namin.. Sana maging maayos ang pagbubuntis mo at sana maging okay din kayo ng bf-cousin mo.. para na rin sa inyong pamilya. Keep in touch! God Bless!
  5. Hi Lonelynsad, Alam mo parang naguguluhan ang pinsan mo sa situation nyo. Gusto ka nya. Natatakot lang sya sa mga magiging consequence na possible na mangyari in the future. Hayaan mo muna syang mapag-isip. Alam ko ang pinagdaraanan nyong pressure. But in the end sana matanggap NYO pareho kung ano ang kahihinatnan ng situation nyo. Ang lagi ko ngang pilit na isini-Sink-In sa utak ko e yung katagang, "KUNG KAMI, KAMI TALAGA!".. Hoping for the success of your relationship and always keep in touch dito sa site. Regards, dm0127
  6. welcome sa cc.com myne23! Nakakalungkot malaman na after nyo na magkaroon ng anak ay hahantong sa ganito ang lahat. May i ask something po.. Ngaun lang ba nila nalaman na nagkaroon kau ng anak ng cousin mo? After two years? Siguro try nyo po muna ihandle ang situation. Palamigin nyo muna. At siguro, after nun, time na para humarap kau (kung di pa nangyayari yung actual revelation nyo na nagyari sa amin last January). Oo, mahirap. Lalo sa part ninyo. Pero alam ko at sure ako na naisip nyo na din ang magiging consequence from the start ng relationship nyo. Just pray. Mag-usap kayo ng maigi ng cousin mo sa bagay na yan.. Kawawa din kc yung daughter nyo. Mawawalan ng pamilya. Mahirap lumaki na wala syang kinikilalang mama at papa. Hindi po ako nagdidikta, it's just my opinion lang po myne23. And im hoping po sa ikalulutas at ikagagaan ng situation nyo... Keep in touch!
  7. Hello ACL2 and welcome po sa cc.com! Ako nga rin eh, nag-iisip din tungkol jan sa pagpapakasal na yan. Ask ko lang po yung iba nating mga ka-cc dito, ano po kaya sa pananaw nyo at sa opinyon nyo na din, Posible ba talaga na makasal ang mag-1stcousin. Kahit kasal lang sa huwes? Ang habol at punto ko lang naman eh maging legal yung magiging anak at lahat ng pribilehiyo mo ay maisalin sa magiging asawa mo. What i mean is maging legal dependents mo sila. Di ba sa philhealth, sss, pag-ibig fund eh may inililista tayo na mga dependents? E pano natin maide-declare sila kung hindi kau kasal? Na-gets nyo po ba mga ka-cc? Hoping for your inputs mga ka-cc! Thanks...
  8. cguro naisip nya ung para magparaya na lang.. mahal ka nun, naunahan lang siguro sya ng takot at sa pakiramdam ko, baka naiisip nya ung magiging scenario if malaman ng mga kamag-anakan nyo ang sitwasyon nyong dalawa... Di mo dito binanggit sa post mo kung ano na ang sumunod na nangyari after nung i give-up nya yug relationship nyo. Ano na ang reaction ng mga parents nyo? Alam na ba nila na wala na kau?
  9. gud day! Paki state mo nalang po sir ung kwento nyo para makapagbigay po kami ng advice.. tnx..
  10. haha... y not nga naman... naisip ko nga din yan sir pooch.. Aba, laging handa din ang ATM account ko para jan.. hehe.. @Ms. Taimis hindi ko po alam kung saktong Feb 14 ang airing.. for sure, lagi mo na lang subaybayan ang State of the Nation with Jessica Soho weeknights... Ako baka di ko ma-subaybayan kasi late night na yun eh, I thing 9PM ang start ng airing.. Antok na kasi ako ng ganung mga oras.. Pero sana if may mag-conduct nga ng interview at mai-air.. sana may magpost dito sa thread natin or sa site na ito ng link para mapanuod natin kung sakaling ma-miss natin ang airing.. Di ba?
  11. hehe.. natapat na love month... this is an opportunity nga naman.. kaso hiya ako sa mga ganyan sir pooch.. cguro susubaybayan ko alang yung State of the Nation program ni Ms. Jessica Soho... hehe...
  12. hello guys.. Ngayon lang ulit ako nakapag-online. Maraming Slamat sa inyong mga replies. Nakakagaan ng loob at syempre lalo akong naiinspire sa aming sitwasyon.. Yaan nyo at iko-consider ko lahat ng mga advice nyo. Thanks ng marami.. ---dhiemhie0127
  13. Nice comment din po sir pooch.. Try ko po na kausapin si Misis regarding dyan. Pero as of this moment focus po muna talaga ako sa kung ano ang kalagayan nya kc 6 months na po syang buntis ayaw ko naman maka-apekto sa kanya kung ano man ang magiging reaction ng grandparents nya. What i mean is ayaw ko syang mag-worry sa nayon kc nalalapit na yung panganganak nya... Pero kino-consider ko rin po sir pooch ung suggestion mo na yan.. Thanks.. Regards. --dhiemhie0127
  14. hehe.. pinag-iisipan na nga namin ni Misis yung tungkol sa binyag... Medyo worried lang ng konti kasi iniisip namin kung sinu-sino ang kukunin naming mga ninong at ninang.. At syempre siguradong magugulat ang mga bisita na kami ang nagkatuluyan... Hehehe... (with matching tawa kaming dalawa).. Anyway, here's an update: Last Wednesday (january 15), nagpunta yung Aunt ko (my cousin's mom) sa bahay namin. Dala nya yung mga damit ni Misis. Dinalaw nya si Misis at kinumusta yung lagay. Nasa ofis ako that time, kinuwento lang ni Misis pagdating ko ng gabi. Nakakatuwa lang isipin na sa kabila ng lahat ng nangyari ay kinumusta pa din sya ng nanay nya. At pinayuhan ng kung ano ang dapat gawin nya ngayong nagdadalang-tao na sya. Pinayuhan din sya na laging mag-iingat. Namomroblema daw yung nanay nya kung paano sasabihin sa lolo at lola ni Misis (not my grand parents) about sa situation nya. Ang alam kasi ng grandparents ni Misis eh nag-aaral sya. Ang payo naman ng step-mother ko (si Misis, mom nya, step-mother ko at 1 neighborhood ang nasa bahay that tym) habang nag-uusap-usap sila ay ipaalam na lang sa grandparents nya ang situation kapag nakapanganak na lang sya, since malapit naman na syang manganak (April). At nag-usap daw ng sarilinan si Misis at ung Aunt ko. Nung mga unang araw daw after ng REVELATION eh talagang ang bigat ng loob nya at napakalungkot.. Pero ngaun daw medyo nagsi-sink-in na sa loob nya yung sitwasyon... Tinanong din ako at sabi ni Misis na pumasok ako sa work. Im hoping nga na sana ito na yung start para matanggap nila kami. Na sana wag nang humantong sa sisihan ang lahat. Ginagawa ko naman ang lahat, although aaminin ko na mahirap talagang mag-adjust pero sa ngaun unti-unti ko nang sinasanay ang sarili ko sa puntong ito. (Na-touch lang ako sa mga nangyarii last Wednesday sa pag-bisita ng Aunt ko dahil dinalhan siya ng damit.) Di sya nagtagal sa bahay pero dun na sya nag-lunch. Nagsabi sya na babalik at dadalaw na lang siya.
  15. HI AGAINSTALLODSS AND SIR POOCH... Im here pa rin po sa Philippines..
×
×
  • Create New...