Jump to content

Lonelynsad23

Member
  • Content Count

    19
  • Joined

  • Last visited

Community Reputation

1 Neutral

1 Follower

About Lonelynsad23

  • Rank
    Member

Recent Profile Visitors

The recent visitors block is disabled and is not being shown to other users.

  1. Hi everyone, @pooch @9/9/2004 @Kulasa Manila Sorry di nakakamessage dito ng super tagal andami kasi nangyari. A. Nagkasakit si cody ( my tuxedo cat) so absent tapos pabalik balik sa vet. He is still under medication but doing better na. B. I started refresher courses during the weekend, alam mo na pag professional sa pinas may cpd requirements. So aral si ate. Kakahiya kasi simpleng accounting entry di ko na maalala C. Dinagdagan responsibility ko sa work, dahil daw tenured na kelangan na ng stretch assignments. So literal paguwi ko tulog sa couch. (Di na umabot sa bed) D. Busy din si bf madalas. Plus anjan nga parents niya, umuwi kasi takot maputukan ng bulkan. Pero eto ha, kagabi nanaginip ako na nambabae na naman si bf. Kasi nga simula nung magaway kami last time pinalitan na niya ang password niya sa fb so di ko na mabasa. Eto kasi talaga ang greatest fear ko eh? yung magsasabi nalang siya na may nakita na siyang ibang babae na kaya niyang ipakilala sa magulang niya na di siya bebengbangin. So anyways bago ako magiiyak na naman dito, maglalaba nalang ako at magrereview, kasi nga mejo bobo nako sa profession ko. ? i hope everyone is having a better time than me. Miss ko na magdaldal dito, mahirap din kasi pag laging sarili ang kausap hahaha
  2. Hi ate kulasa, pooch and 9/9/2004 ok naman ako. Trying to keep busy. Rebuild my little life. Sinubukan naman niya bumawi. Pero this week wala ulit. Mahirap talaga pag andito parents nya. Ang hirap na pati pag punta ko ng malls kelangan ko magingat. Nanganak pala partner ng kapatid ko ngayon kaya mejo mixed feelings. Masaya kasi may pamangkin na ko. Malungkot kasi naiisip ko baka di ko na maexperience yung having a baby
  3. Pano ba maging manhid. Lol. Andami kasi pumapasok sa isip ko. Nakakapagod na
  4. @pooch hindi naman. Pasensya na. Masyado kasi talaga ako emotional. Parang sunod sunod lang kasi. Andami na nga nagsabi sa inyo ( mga lalaki) na baka daw friendly lang. gumawa pa nga ng kanta ang parokya tungkol dito. Kelangan daw kasi niya ng network para sa mga negosyo niya. Kagabi kinausap ko na na kung ganito lagi maghiwalay na kami. Nagulat siya kasi sabi niya di daw niya naisip kahit kelan makipaghiwalay kahit na daw napakapraning ko. Kaya di daw siya makapaniwala na ako pa daw mauuna. Nung nagloko kasi siya dati binigay niya password nya sa fb. Ngayon ayaw na niya baka daw kasi mapraning lang ako sa kung sino sino nakikita ko sa fb nya kung sa pagluluto oo hahahah. Konti lang alam ko lutuin pero gusto naman niya adobo ko saka tuna penne
  5. Gusto ko ng kakampi. Bakit parang lahat nalang ng tao galit sakin. Tatay ko, boyfriend ko. Bakit ako lagi ang may pagkukulang
  6. This is the funny/ tanga thing Lumuhod lang siya at nagsorry tinanggap ko na ulit. Di ba ang tanga tanga. Mahal na mahal ko yung gagong yun. Pero ang sakit sakit na. Nakita ng boss ko na sobrang emotional ako so she said take a break. Pinauwi niya ako. Kung regarding sa emotional breakdown. i have, multiple times sa relationship na to. Nung una niya ko hiniwalayan natanggap ko na in the end eh. Natanggap ko na. Kaso binalikan niya ko ng binalikan. Wasak na wasak na ko. Ang gagago ng mga lalaki! Lahat na binigay mo naghahanap parin Gusto ko na magpahinga. Forever ang nagtutulak nalang sakin para kumilos eh baka kung san mapunta tong mga pusa pag nagpakamatay ako. At yung sakit na madudulot sa kapatid ko at lola ko. Nothing else matters in my life. The way people I love treat me, parang wala akong kakwenta kwentang tao. Tapos magtataka siya kung bat ako naawa sa sarili ko? Eh pucha walang ibang naawa eh. Edi ako nalang
  7. Dear pooch and 9/9/2004 i will not lie to you guys. Kayo na ang naging most honest and upfront sakin sa nangyayari. I had to leave work last thursday kasi naging sobrang emotional ako (fatal flaw ko) dahil nakita ko sa fb niya na may kausap na naman siyang ibang babae. Now, bago kayo magreact na i should not have looked at his account. Yun ang usapan namin. Nung una siyang magloko nagsurrender sya ng social media niya sakin. Sabi niya wala lang daw yun. Hindi ko talaga maintindihan mga lalaki. Bakit kelangan magflirt ng magflirt ng magflirt. Tapos kinabukasan, may pangyayari naman na sinigawan ako ng absentee dad ko. Ayoko na muna ibigay details so all in all di ako ok. He keeps insisting na wala lang yun. Siguro magkaiba kami ng concept ng relationship? Or magkaiba kami ng concept ng fidelity. Gusto ko muna magpahinga. At 9/9/2004 di ko kaya lumayo dito dahil financially incapable ako. Madami ako utang. Dahil sa kapabayaan ng lalaking dapat nagpalaki samin. Gusto ko sana lunurin sarili ko sa alak. Kaso isang can palang ng sapporo tulog nako
  8. Hello 9/9/2004 Naisip ko nadn yan. Kaso financially incapable ako. Andami ko kasi utang. Totoo yan. For years kasi ako provider samin. Ngayon kasi sinusupport nya ko financially sa mga gastos. Etong apartment lahat ng gamit dito sya bumili. Di naman sya nagkukulang sa aspetong yun pero yung sa time talaga. Kaya nga this time pinipilit ko na idistance sarili ko mentally and emotionally. Mas nakfocus ako ngayon sa career ko at kung pano ako makakaangat sa swimmingpool ng utang. Dati kasi lagi ako umiiyak pag pakiramdam ko di ako napprioritize. Ngayon sabi ko sa sarili ko ako nalang mag pprioritize sa sarili ko. Kaya nagenrol ako sa mga seminars para additional knowledge ganun. Salamat sa pagsabi na di ako malandi. Yan kasi ang isang problem sakin. Mabilis ako madiscourage at maniwala sa sabi sabi ng ibang tao. Salamat sinabi mo may kakampi Ako. feeling ko nga nararamdaman nya na dumidistansya ako. Kasi lately dinadalasan na nya uwi dito. Saka nung new year dito sya nagstay
  9. Dear pooch, nabasa mo din si chapman? Oo dun ako sa time nagfafall na category hahaha. 1.di naman na siya nagloloko. Just that one girl. Si one girl na kinaibigan lahat pati nanay niya. Pero wala narin sa eksena yun ngayon. Focused nalang sya magkanegosyo kasi ayaw daw niya mabuhay kami sa kahirapan 2. Ok naman ang perks sa work ko, mejo flat org lang so no promotion, pero it gets my mind off things. Very challenging kasi. 3. Di ako optimistic. Nung lumabas tong issue namin isa ako sa unang unang nagsabi sa kanya na di kami matatanggap ever. 4. Alam ng bestfriend niya. Alam ng bestfriend ko. Pero si bestfriend ko di ko na nakakausap kasi may family nang sarili 5. Iisa lang ang instance, and hindi niya kinonfront mom nya. Nung pinalayas ako nung gabi, tinulungan niya ako magbitbit ng gamit, tinulungan nya ko maghanap ng bahay. Tnry nya kausapin nanay niya pero di siya hinaharap. Yun lang. di pa nga ata alam ng tatay nya. Retired military man tatay nya, and tbh mabigat kamay sa kanila nung mga bata pa sila kaya sabi nung nanay nya sakin di ka ba naaawa sa anak ko ? Baka patayin yan ng tatay nya! To that effect. Siya kasi mismo (tita) has violent tendencies. Nanghahabol ng may dalang kutsilyo yan ng kabataan nya. 6. Sinasabi lang ng kapatid ko na kung kasalanan man to, dalawa kami na dapat sisihin. Di naman ako naglandi eh, niligawan ako. Dun naiinis kapatid ko na inaasume nila na malandi ako o inakit ko yung tao. Dun sya nagagalit.
  10. Mahal ko sya eh. Kaya antay ako ng antay na umayos sya. Pero this year sabi ko sa sarili ko, magfocus muna ako on self improvement, kesa panay iyak ko magisa dito sa lonely apartment ko
  11. Andami tanong hahah. Classic pooch. Not one to mince words. 1. Siguro tanga lang talaga ako. But there are times I know I love him and there are times na hindi kasi nga dahil walang time para sakin. That is how i equate love eh. Time. My dad was rarely there for us, laging mom ko lang. 2. Honestly di ko alam. Yung kapatid niya na lalaki is pinakasalan yung pinsan nila, pinalabas na ampon yung isa, pero di ko alam kung totoo. It took them quite a while bago natanggap. Actually natanggap lang sila nung magka apo. Kaya si atey todo everything to please them. May superiority complex kasi ang pamilyang to, tbh. 3. I am 30 ish na now. Tanggap naman niya yung cats, tanggap nadn nya na it maybe possible na di ako magconceive. That’s just it eh. May times na nagpapasalamat ako kasi naiintindihan niya ko but there are times na, dahil nga walang panahon pArang napapalitan ng inis at sama ng loob nararamdaman ko. Most esp if anjan parents nya, andito sa ciudad. Kasi pag andito sila lalo syang di nagpapakita, kasi binabantayan kilos nya. 4. Still on my same job sa bpo. Tagal nadn. Actually thankful ako na may work ako at pusa. Naibubuhos ko attention ko sa kanila. 5. Hanggang kailan? Di ko alam eh. Actually siya gusto nya ipakilala ako sa barkada nya. Naipakilala na nga nya ko sa iba. Kaso di ako makajoin sa lakad nila for the reasons mentioned above. Masyado kasing nabubuhay ang tao sa fb. Nagffb lang ako para magbasa ng news. Saka manuod ng tungkol sa pusa. 6. I have two male cats na super mabait and loving. Lalo na yung first cat ko, na source ng pagseselos nung isa. Alam ng cats ko pag malungkot ako. Pag iyak ako ng iyak dahil sa loneliness nilalapitan nila ko at nagppurr. Nung may sakit ako at di ako madalaw o madala sa ospital yung mga pusa ko ang ngiyaw ng ngiyaw para di mawala consciousness ko, or baka natatakot lang sila madedz ako wala nang magpapakain sa kanila. 7. Iiskandaluhin ako nun. Siya mismo nagsabi nung pinalayas niya ko. Ayaw na niyang magkrus landas namin. Panganay siya sa mga kapatid ng mom ko. ( magkapatid ang moms namin). 8. My mom died in 2005. Anak kami sa labas ng dad ko. I saw a video of my dad (stalker mode) on fb and he is old and is wheel chair bound. Di ko magawang puntahan sya kasi di alam ng legit family na buhay kami ng kapatid ko. Plus asa malayong lugar sya na kelangan ng plane fee to get there 9. Di alam ng nanay ni bf na slightly malapit lang tinitirahan ko sa lugar nila. Walang nakakaalam ng location ko kundi kapatid ko lang. 10. Basically buong family niya galit sakin at tingin sakin eh malanding haliparot na mababang babae. Nakakadiri ako sabi ng nanay niya. Very traumatic for me. May mga gabing nanginginig ako sa takot pag napapanaginipan ko. 11. Inversely galit na galit din ang kapatid ko kay bf. Di daw ako lang ang dapat sisihin.
  12. Di ko na kasi maalala kung ano yung huli kong nakwento. Pero ganito kasi yun, around June 2016 nalaman ng mama nya yung tungkol samin, kasi si girl na nakarelasyon nya punta ng punta sa bahay nila eh nag bboard na ko sa isa sa rooms nila. Nakita ako dun tapos nagkwento sa asawa ng pinsan ko (na ironically pinsan din nila sa father’s side). So ayun, pinalayas nga ako. I had to move out with a lot of baong masasakit na salita ( immoral, maduming babae).apparently ako daw may kasalanan ng lahat at dapat ako ang lumayo. Bilang tita ko ang panganay sa mga magkakapatid kelangan daw di kami magkita sa mga gatherings ganun. So kinausap ko si bf sa text kasi pumasok ako at dali dali ako naghanap ng malilipatan. I have no kids but i do have 2 cats so it made the trying to find a place even harder. Tinulungan naman ako ni bf maghanap ng place and because wala ako pondo sya muna ang gumagastos. Yun nga lang buong akala ko kasi sasamahan niya ko. Kaso ang ending dun parin siya sa kanila. Yung negosyo nya kasi na shop eh nasa harap ng bahay nila. Pinagawayan narin namin ng ilang beses yun. Tapos nung huli sabi niya di talaga sya aalis sa kanila kasi bukod sa negosyo nya naniniwala parin siya na matatanggap daw kami ng family. So almost all of the time magisa ako. Pag uwwi ako sa lola at tita ko na nagpalaki sakin kelangan siguraduhin ko pa na wala sila (tito tita ko) kelangan asa province sila. Yung asawa naman ng pinsan ko na nagbuking samin kelangan ko rin lagi iwasan. Nung unang pasko at new year ang lungkot ko kasi di nga ako makauwi. Nung minsang umuwi siya dito nagrereklamo sya kasi i give more attention to my cats. Di rin kasi ako magkaanak, mahirap so parang anak ko na mga pusa ko. Minsan pag naiisip ko sitwasyon naiiyak ako. Lately mas bihira na sya pumupunta kasi may negosyo sya na kasosyo nya barkada nya, kaso partly funded ng parents parin niya. May times na naiisip ko na umuwi nalang samin. But there is that risk nga na iiskandalo ako ng nanay nya. Independence is a weird thing para sa mga pinoys. As in andami nagtatanong na tsismosong kapitbahay kung bakit magisa lang ako ganun. Ngayon, nag out of town sya. Gusto naman nya ko isama kaso kasama mga kabarkada niya na ironically eh mga kabarkada din ng mga kapatid niya. Its a facebook world, isang kita lang ng mga kapatid niya sigurado marereport na sa nanay nya. Kaya iwas. Kung pwede lang sa ilalim ng lupa mamuhay para di na nila ko makita e. Minsan nagkataon na sabay kami nasa same mall ng nanay niya mamatay matay ako sa nerbyos. Ganun na kasi ako ngayon, madalas praning at takot.
  13. Hi guys, sobrang tagal na ng huli ako mag comment dito or anything. To tell everyone, kami parin but sometimes, or a lot of times I am having doubts kung hanggang kelan na lang to. Situation is still the same. He still lives with his parents, di niya parin kaya panindigan sa kanila yung samin. Nagtatago parin ako sa mga kapatid/magulang nya. Living alone, most of the time alone. Sometimes umuuwi siya.
  14. Hi. Kamusta naman kayo ngayon? Buti kahit pano nakapagsettle na kayo. Kami ng bf ko ilang taon na, almost 9 years na, pero eto parin. Nalaman ng mom niya na may relasyon kami thru a girl na naka one night stand niya. Ngayon, ako ang kinausap ng tita ko, ako daw ang babae ako daw ang lumayo. Nun ding araw na yun pinalayas niya ako sa bahay nila. In fairness naman kay bf hinatid naman niya ako sa malilipatan ko na room. But since i have pet cats, yung room di siya enough para samin. Saka nung naguusap kami buong akala ko magsasama na talaga kami. He has a business kasi na ang parents niya ang ang nag pondo. So yun ang main source of income niya na sa bahay lang din nila. Nung una, okay, naghanap siya nag apartment, bumili ng mga gamit, lutuan, tv etc. Kaso na realize ko habang namimili kami ng gamit, wala siyang balak umuwi sa bahay. In short, para akong kabit, na inuuwian lang pag pwede. May mga linggo na di siya nagpapakita, kasi busy daw. Nahihirapan nako sa set up namin. Masakit pa ang loob ko sa mga sinabi ng tita ko sakin, kesyo malanding babae ako, madumi, di ko na sila nirespeto. Alam na rin ng ibang mga kamaganak namin, at ang ultimatum sakin, pag umuwi ako iiwan ko na si bf. Kasi di nila matatanggap e. Sarili ko ngang kapatid di ako matanggap nung una. Pero naawa siya sakin at ngayon kinakausap nako. Sabi niya sakin nung isang araw, ate kaya ka namin tulungan lahat dito. Pwede ka magumpisa ulit. Meanwhile, madalas na kami nagaaway ni bf. Usually dahil nangungulit ako na dalawin naman niya ko sa bahay na to. Hindi ko siya bineblame sa nangyari sakin, kasi pinili ko rin to eh. Nasasaktan lang ako kasi pakiramdam ko lagi akong magisa at wala akong nakukuhang suporta from him emotionally. Kung suporta sa panggastos at sa bahay meron siya. Kaso ganun nalang eh. Magpapadala siya ng pera tapos. Kamustahin ako o magstay dito wala. Kagaya ngayon isang buwan na siyang di dumadalaw. Busy daw. Nauupos nako. Minsan pakiramdam ko hindi ko nasiy mahal. O hindi na niya ko mahal. Parang pabigat nalang ako. Minsan pa uuwi siya makikipagtalik lang tapos aalis na. Pakiramdam ko [email protected] ako eh. Ginagamit tapos bibigyan ng limos. Sobrang durog na durog nako.
×
×
  • Create New...