Jump to content

Lextin

Member
  • Content count

    4
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    3

Everything posted by Lextin

  1. Cousin Couples from the Philippines let's unite here

    Aww thanks po! Sana nga po talaga at sana malagpasan po namin to at magkaron ng magandang love story.
  2. Cousin Couples from the Philippines let's unite here

    Hi Sir Pooch! Sorry for the late reply hehe kala ko po kasi wala ng active dito kaya di ko siya naccheck daily. Napadpad po ako dito kasi curious po ako kung may mga ibang cases katulad ng akin at syempre gusto ko din po ma inspired sa mga sucessful stories nila. Yes sir bale 5 months na po this december. For your 1st question po, nag break po kami kasi napuno na po ako nun eh bale nahuli ko po siya. Nakakita po ako ng photo na halos magkiss na sila nung bakla niyang ka work na napag-awayan na din namin dito at inaway din ako. Haha di ko alam kung ano meron sa kanila pero i don’t care na po haha tapos kasi since almost years na kami nun parang nagtatagal na lang kami kasi nanghihinayang kami na matagal na kami. Madaming beses niya na din po ako pinagsinungalingan at nahuhuli ko po siya na may kalandian minsan ang masakit pa dun may mga asawa na. Kaya ayun nauntog na ako sabi ko tama na. Di naman po ako nagpaligaw agad agad bale parang nirespeto pa din ni L yung fresh ako from break up basta nandyan lang siya di niya ako pinepressure na maging kami. Tsaka ayoko po maging unfair din sa kanya. Mas naging malalim po yun samahan namin mga Late Feb or March na parang nahuhulog na ako sa kanya nanaman kasi napakabait niya talaga as in lalo na saakin kahit dati pa nung childhood/ puppy love days pa lang kaya di po nakakapagtaka na naging kami agad haha ayaw ko na din po siya pakawalan kasi sobrang mahal ko na siya at alam ko ganun din po siya.
  3. Cousin Couples from the Philippines let's unite here

    Hi! I am now in a 4 months relationship with my second cousin. Here’s our story.. He is 22 and I am 23. Actually, matagal na pong may something samin, i forgot na kung ilan taon kami nun pero elementary days pa lang kilala na namin yung isa’t isa so ayun parang mutual feelings na din crush ko siya nun tapos crush niya din ako pero di ko pa alam nun na magpinsan kami since tiga province siya at tiga manila ako, umuuwi lang kami pag bakasyon ganun. Every year kami ako nagbabakasyon edi every year ko din siya nagkikita then na open ko sa mga pinsan ko na close na crush ko siya tapos sabi nga nila kamag anak daw namin sila na second cousin nga daw. Edi ayun medyo gets ko na parang hindi pwede. Pero ewan ko ba... dumating yung time na high school days na at nauso ang phone nagkatext kami tapos ayun inopen niya yung feelings niya pero ako naman di ko sineseryoso kasi alam ko nun bawal.. Kaso talagang ewan ko ba bakit di ko mapigilan haha ang pasaway ko hindi naman naging kami NOON pero parang M.U. Kami sweet kami, nagkikita kami patago kasabwat ng mga pinsan ko kasi alam nila tapos ang bait niya kasi sakin para siyang best friend ko na din na one call a way lang andyan na kaya lalo ako nainlove sa kanya kaso nandun pa din yun takot na hindi kami pwede at baka mapagalitan kami kaya dumating na din yung point na iniwasan ko siya at di ko na tinext. Ang damng beses ko na siyang iniwasan pero nagkaka usap pa din kami. Year 2012 nagka boyfriend na ako.. at siya din nagka gf na din. Pero kahit may bf ako at gf siya may mga times pa din na naguusap kami pero madalang at kamustahan na lang pero minsa di maiwasan ma open nanaman yung tungkol samin. Pero syempre di namin pinilit kasi may mga sarili kaming relasyon. Basta alam ko na nandun pa din siya para sa akin kahit minsan na lang kami mag usap. Pinapayuhan niya ako at pag kailangan ko siya isang tawag lang nandyan agad. Di pa din siya nagbabago, ang lakas ko pa din sa kanya. Parang kahit nag ka bf ako di siya nawala sa puso at isip ko ewan ko kung bakit. Alam ng EX BF ko at nung mga taong malalapit sakin na kung hindi ko SECOND COUSIN yun. Siya ang pipillin at siya talaga gusto ko. Hanggang sa dumating na din yung point na nag break kami ng EX BF last december 2016. Alam na! Haha minahal ko naman yung ex ko na yun at seryoso ako kaso napaka sinungaling niya at katulad ng ibang relasyon nagkasawaan parang nagtatagal na lang kami kasi nanghihinayang kami magbreak at ilan beses ko na din siyang nahuling may something so ayun break na syempre move on na. Then ayun since magkausap kami ni second cousin parang kino comfort niya ako nun pero wala na siyang gf nun matagal na din silang break. Hanggang sa na open again yung feelings niya sabi niya liligawan niya ako at gusto niya maging kami at ipaglaban na daw namin this time yung amin... so parang ako din gusto ko na din kasi gusto ko talaga siya at mahal ko siya matagal na kaya sinagot ko na siya. Masaya ako ngayon masayang masaya pero minsan may doubt din na kung ano pwedeng mangyari sa future. Baka di kami tanggapin or itakwil. Ang hirap kalabanin ng familly. Pero I made a research na okay naman na magpakasal dito at legal naman kaso syempre ang mapanghusgang society pero wala akong pake sa sasabhin ng iba ang iniisip ko yung pamilya ko. Yung masasabi nila. Sana hindi. Lagi ko pinagdadasal na sana matanggap at maintindihan nila kasi mahal ko na talaga to. Meron din bang may ganitong sitwasyon and ano masasabi niyo or payo? Salamat po.
  4. Cousin Couples from the Philippines let's unite here

    Hi!!! Finally found this forum! Haayy same here I am in a relationship with my cousin for 4 months now.
×