• Announcements

    • KC

      Get Smart on the Web   09/16/2016

      Be informed on better ways to stay safe on the web -- Source: Mozilla
dhiemhie0127

Cousin Couples from the Philippines let's unite here

225 posts in this topic

Hey this is my very first post here in cc.com. Any one here from the philippines? Im glad to hear it from you guys.

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

I agree, lets unite here. Im also from the Philippines and it s encouraging to know that there are also a lot of people from my country that are also going through my situation.

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

Taga-saan po kayo? At pakisabi po kung nasa Pilipinas pa rin po ba kayo? Or nasa ibang mga bansa na?

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

Woy! Taimis! Mabuti naman.. Mabuti.. Tuloy, tuloy.. Welcome po kayo..hehe. :)

dapat magpapakilala tayo isa-isa. Umpisahan ko nga. hehe.

Ako po si Pooch. Tubong Marikina, laking Paranaque.

Inlab sa pinsan, nagtataka kung ba't "di pwede".

Itinanim sa kukote, kadugo ko ang sabi-sabi

Ako'y naturete kasi ang tawagan namin ay 'baby'.

Minsan mapait ang buhay pero kailangang lampasan

Binigay ng Maykapal kaya tanggapin na lamang.

Iniaalay ng tula... sa inyo'y kamusta'y wagas.

May pag-asa kami ng mahal ko, para sa magandang bukas...

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

Woah! Bagong gising ako Kuya Pooch kaya di ako makakasabay sa tula mo ha? Ngarag ng konti ang message ko dahil baka biglang sumilip ang papa ko habang tinatype ko to. HAHAHA.

Ako po si Taimis, 21. Tubong Laguna samantalang taga Lipa, Batangas naman ang boyfriend ko.  Nasa 3rd year college taking up BEED, magtteacher ang peg. Medyo bothered sa ideya na gusto kong pakasalan ang second cousin ko dahil baka may mga restrictions ang pagiging teacher sa moral issues. 2nd year high school ng maging kami ng bf ko pero mas maaga pa namin nalaman dun ang nararamdaman namin sa isat isa, hiniwalayan ko siya noon dahil nahuli kami ng papa ko exchanging sweet nothings through text. Galit na galit ang magulang ko noon. Pero after 7 years, nagtagpo ulit ang landas namin pagkatapos kong makipagcommunicate ulit sa kanya dahil natakot ako ng mabalitaan mula sa kapatid niya na ikakasal na raw siya but Thank God! dahil hindi naman pala yun totoo, muntikan lang.. kung hindi daw sana ako bumalik. 1 year na kami ngayon at okay naman kahit may tampuhan minsan, dala na rin siguro ng pressure ng relasyon namin. O ayan, nakwento ko na ang talambuhay ko. Sana po eh mas makapagreach out pa tayo sa isa't isa, malaking tulong na malaman na may iba pa lang tao na maaaring mahingan ng suporta. Ingat kayo!!!!

wow pooch mukhang malapit ka lang sakin... everyday ko nadadaanan ang marikina going QC para sa trabaho....

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

sana magkita kita tayo para makapg kwentuhan man lang..personally...

:)

hehe.. honga eh. pero kasi hindi naman lahat ng nandito sa CC eh nasa Pinas. Halimbawa ako, bagamat Pinoy na Pinoy ako eh, nasa Canada naman ako. As to kung kelan ako bibisita sa Pinas, hindi ko pa alam. lolz. Mahal rin ang pamasahe kasi eh. hehe..

Ewan ko lang sa iba kung taga-saan sila... Taga-san po kayo?

Tsaka baka pwede pang magtanong ng karagdagan.. hehe.. Paano kayo napadpad rito sa CC? :)

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

Woah! Bagong gising ako Kuya Pooch kaya di ako makakasabay sa tula mo ha? Ngarag ng konti ang message ko dahil baka biglang sumilip ang papa ko habang tinatype ko to. HAHAHA.

Ako po si Taimis, 21. Tubong Laguna samantalang taga Lipa, Batangas naman ang boyfriend ko.  Nasa 3rd year college taking up BEED, magtteacher ang peg. Medyo bothered sa ideya na gusto kong pakasalan ang second cousin ko dahil baka may mga restrictions ang pagiging teacher sa moral issues. 2nd year high school ng maging kami ng bf ko pero mas maaga pa namin nalaman dun ang nararamdaman namin sa isat isa, hiniwalayan ko siya noon dahil nahuli kami ng papa ko exchanging sweet nothings through text. Galit na galit ang magulang ko noon. Pero after 7 years, nagtagpo ulit ang landas namin pagkatapos kong makipagcommunicate ulit sa kanya dahil natakot ako ng mabalitaan mula sa kapatid niya na ikakasal na raw siya but Thank God! dahil hindi naman pala yun totoo, muntikan lang.. kung hindi daw sana ako bumalik. 1 year na kami ngayon at okay naman kahit may tampuhan minsan, dala na rin siguro ng pressure ng relasyon namin. O ayan, nakwento ko na ang talambuhay ko. Sana po eh mas makapagreach out pa tayo sa isa't isa, malaking tulong na malaman na may iba pa lang tao na maaaring mahingan ng suporta. Ingat kayo!!!!

Hmmm... May cocomment ako rito.. Ang tawag ko sa nangyari sa iyo eh, "preemptive revelation"or "kamuntikang revelation" eh.. hehe.. pero sa ibang threads na lang. lol

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

hehe.. honga eh. pero kasi hindi naman lahat ng nandito sa CC eh nasa Pinas. Halimbawa ako, bagamat Pinoy na Pinoy ako eh, nasa Canada naman ako. As to kung kelan ako bibisita sa Pinas, hindi ko pa alam. lolz. Mahal rin ang pamasahe kasi eh. hehe..

Ewan ko lang sa iba kung taga-saan sila... Taga-san po kayo?

Tsaka baka pwede pang magtanong ng karagdagan.. hehe.. Paano kayo napadpad rito sa CC? :)

Pooch

ah nasa canada ka pala... ano yan trabaho? dyan din ba si gf? Mukhang matagal kapa yata makakauwi ah..  Ako taga Rizal ako, pero sa Quezon City ako ng ta trabaho. Napadpad ako dito kasi ng search lang ako tungkol sa cousin relationship etc etc... tapos lumabas to search results. Natuwa ako kasi meron palang ganitong site..

Taga Laguna po ako sir Pooch. Katulad din ni ate against, nagreresearch lang ako tungkol sa cousins affair tapos may isang review na nagsuggest ng website ng cc.

Haha. Korek sir pooch, kamuntikan na talaga. :D

yep. nag-migrate kasi kami ng buo kong pamilya rito on the latter part ng 2003. si gf naman eh sumunod na rin.

Tungkol sa pagbabakasyon ko pabalik riyan, ah oo matagal-tagal pa nga... Mahirap rin umuwi kasi eh. Tsaka sa totoo lang, "wala na rin akong uuwian" eh.. alam mo yun? I see Canada as my new home na.. Yung mga kamag-anak ko naman kasi na naiwanan ko sa Pinas eh hindi ko naman mga ka-close. Kung uuwi man ako eh baka-bakasyon na lang. alam mo yun?

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

sige sana matuloy tayo...

tsaka sana sa binyag ng anak ni dhiemhie invited tayo... hehe!

haha! honga! dapat imbitado rin tayo (kahit hindi man ako makapunta eh may invitation dapat. lol)

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

Taga Laguna po ako sir Pooch. Katulad din ni ate against, nagreresearch lang ako tungkol sa cousins affair tapos may isang review na nagsuggest ng website ng cc.

I see.

I started doing my research noon sa library nung nasa kolehiyo pa ako as early nung nasa Pinas pa. Nag-tatlong semesters kasi ako sa isa sa mga universities sa Taft avenue eh (batang Pedro Gil at Robinsons Galleria po ako..ahem..ahem..ahem.. lol) habang nagaantay ng mga papeles naming papuntang Canada. And so sa halip na pinapasukan ko yung CWTS ko eh nasa library ako doing my research. I would say that my research surprised me...

And so ako ang nanghiram ng lahat ng mga libro tungkol riyan. Baon ko eh nauubos sa photocopies. lolz. Then natatandaan ko pa, nung ikatlong semester ko sa university eh nagkaroon ng internet caf? sa loob mismo ng campus. Kaya nbaman baon-baon ang isang box ko ng diskettes, eh pinagkokopya-kopya ko ang mga webpages ng mga tungkol sa cousin relationships tapos babasahin ko na lang sa bahay (wala kasi kaming internet connection nun eh. haha)

A lot of them I would say are biased. And it was really ugly... :(

Then dumating ang panahong awa naman ni Lord at nakarating ang pamilya ko (at ako) rito sa Canada. Mas nagkaroon ako ng chance na magresearch. Unang-una itong CC sa listahan ko. Matagal ko ng alam itong site kaya lang wala pa kasing forum noon eh. Naguumpisa pa lang nun yugn site tas puro facts lang ang nandun.

Isang naimpressed ako eh yung section sa religion. Sabi ko sa sarili ko nun eh, kung bawal ng bible ang cousin relationships, tapos na ang usapan... yun na ang pinaka-deal breaker ko. I am a Christian kasi eh kaya ang pananampalataya ko talaga ay nakabatay sa Bible. Pero I was surprised yet again na hindi naman pala pinagbabawal ng Biblia ang cousin relationships. Manapa, may possibility pa nga na si Maria at si Jose (yung mga magulang ni Hesus) ay magpinsan! Mula nun, I was hooked.

Pero kahit wala pang forum nun, may chat box naman. There is this one point sa relationship ko sa cousin ko na nagkaroon kami ng misunderstanding. Lungkot na lungkot talaga ako at hindi makapagconcentrate sa pag-aaral. Pumunta ako rito sa website tapos may nakaonline sa chat. Nagkaroon kami ng mga 10 minutes na conversation ata yun. Siya ang kauna-unahang taong preliminary na napagsabihan ko ng nararamdaman ko -- what a release! Prior to that kasi, ang pinsan ko lang ang nakakaalam... Sobrang tago kasi talaga eh.

Then time goes on and I'm here again. hehehe.. Usually, nandito ako kapag nanghihina ako eh. Pinapalakas ang loob ko ng forum na ito when it comes sa relationship. Marami akong natutunan at sa tingin ko eh marami pa akong matututunan. aba lalo pa ngayon at may mga Pilipino na! haha.. :)

Haha. Korek sir pooch, kamuntikan na talaga. :D

I have tons of these in our 11 years. Way too many to mention. Pero we deny every single time.. And every single time it hurts.. Singsakit ng pagkaila ng tatlong beses ni Pedro kay Hesus (if you know what I mean)... :( :( The last time was about 5 years ago. At magpahanggang ngayon, my mom still remembers all of it. Siya kasi yung 'nakahuli' sa amin eh... Anyhow, tsaka na details. lolz!

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites
sige sana matuloy tayo...

tsaka sana sa binyag ng anak ni dhiemhie invited tayo... hehe!

hehe.. pinag-iisipan na nga namin ni Misis yung tungkol sa binyag... Medyo worried lang ng konti kasi iniisip namin kung sinu-sino ang kukunin naming mga ninong at ninang.. At syempre siguradong magugulat ang mga bisita na kami ang nagkatuluyan... Hehehe... (with matching tawa kaming dalawa)..

Anyway, here's an update:

Last Wednesday (january 15), nagpunta yung Aunt ko (my cousin's mom) sa bahay namin. Dala nya yung mga damit ni Misis. Dinalaw nya si Misis at kinumusta yung lagay. Nasa ofis ako that time, kinuwento lang ni Misis  pagdating ko ng gabi. Nakakatuwa lang isipin na sa kabila ng lahat ng nangyari ay kinumusta pa din sya ng nanay nya. At pinayuhan ng kung ano ang dapat gawin nya ngayong nagdadalang-tao na sya. Pinayuhan din sya na laging mag-iingat.

Namomroblema daw yung nanay nya kung paano sasabihin sa lolo at lola ni Misis (not my grand parents) about sa situation nya. Ang alam kasi ng grandparents ni Misis eh nag-aaral sya. Ang payo naman ng step-mother ko (si Misis, mom nya, step-mother ko at 1 neighborhood ang nasa bahay that tym) habang nag-uusap-usap sila ay ipaalam na lang sa grandparents nya ang situation kapag nakapanganak na lang sya, since malapit naman na syang manganak (April).

At nag-usap daw ng sarilinan si Misis at ung Aunt ko. Nung mga unang araw daw after ng REVELATION eh talagang ang bigat ng loob nya at napakalungkot.. Pero ngaun daw medyo nagsi-sink-in na sa loob nya yung sitwasyon... Tinanong din ako at sabi ni Misis na pumasok ako sa work.

Im hoping nga na sana ito na yung start para matanggap nila kami. Na sana wag nang humantong sa sisihan ang lahat. Ginagawa ko naman ang lahat, although aaminin ko na mahirap talagang mag-adjust pero sa ngaun unti-unti ko nang sinasanay ang sarili ko sa puntong ito.

(Na-touch lang ako sa mga nangyarii last Wednesday sa pag-bisita ng Aunt ko dahil dinalhan siya ng damit.)

Di sya nagtagal sa bahay pero dun na sya nag-lunch. Nagsabi sya na babalik at dadalaw na lang siya.

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

sa opinion ko lang ah:

I think you have to tell her lola bago pa manganak.. Kahit sa March ninyo sabihin, okay lang. Basta before manganak eh sabihin ninyo na buntis tapos plano mong pakasalan and so on and so forth.. Hindi yung may anak na tapos tsaka lang magkakaalaman.. another revelation kasi yun eh..

Ano sa tingin mo? hmm..

Pooch

0

Share this post

Link to post
Share on other sites

Your content will need to be approved by a moderator

Guest
You are commenting as a guest. If you have an account, please sign in.
Reply to this topic...

×   You have pasted content with formatting.   Remove formatting

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor