Jump to content
<?php echo esc_attr( get_bloginfo( 'name' ) ); ?>
The #1 Writing Tool
dhiemhie0127

Cousin Couples from the Philippines let's unite here

Recommended Posts

On 6/11/2017 at 11:01 PM, Roze said:

ang hirap para kaseng mag isa ko nalang lumalaban

Now having said my piece sa previous post, allow me in a softer way to respond dito. 

I understand brad yung sitwasyon mo. Nangyari na rin kasi sa akin yan. Para bang ikaw lang ang lumalaban. Pero kailangang mag-antay talaga eh. Tingnan mo, nakapagrespond naman pala siya. O diba? So antay-antayin mo lang. :)

Quote

Nagkausap na po kame, all we have to do now is earn. Thanks mga ka CC, and all couples out there, we can do this! FIght!

Pero hindi plano ito eh.

Ito ay step lamang doon sa plano ninyo. Bilang lalake sa relationship, what is your plan for the two of you?! Ano ang general na plano mo talaga? Ngayon at nagkabukingan na, ano reaction ng side ng family mo and ano reaction ng side ng family niya? Ikwento mo naman dito... it's for the Filipino readers din na nasa parehas ng sitwasyon mo. It really would help. :)

And given that the secret is out, may immediate and/or long term view ka na bang naiisip? Siguro sa pamamagitan nito ka namin matutulungan. :)

Kasi yes, you will earn. Pero gagawin mo rin naman yang pag-earn even with or without having the relationship eh. Ano pong naiisip ninyong gawin na? Any updates po mula from last time?

On 6/11/2017 at 11:14 PM, 9/9/2004 said:

kapag may chance pag usapan nyo muna ng maige ang plano...hindi nya pa pinauubaya sau, hindi pa....kelangan clear ang pag uusap nyo at constant, wag bigla ka susugod at napigilan na sya...have that base of plan muna and if she agrees, go, so as long na parehas kayo and payag sya sa gagwin nyong laban

Yup! I agree.

Roze, kapag may chance kayong makapagusap, mas maging serious ka. Ikaw ang magdadala ng relationship niyo eh. Kailangang clear ang usapan ninyo and you need to make sure na she is okay. Mas lalo ka niyang kailangan sa mga darating na araw so you need to be there -- but at the same time, let her figure things out din sa side niya sa Nueva Ecija. Wag kang madedesperado brad... Pag ikaw ang pinanghinaan ng loob, edi mas lalo na yung girlfriend mo! Diba? Kailangang magpakalakas ka -- para sa sarili mo at para sa kanya. :)

Pooch

Share this post

Link to post
Share on other sites
On 6/11/2017 at 11:26 PM, 9/9/2004 said:

ok kung cous marriage mother mo, kausapin mo sya ng masinsinan...ilokano tayo, alam naman naitn ang ilokanang nanay..pero malambot din mga yan, talk to her, and from there, dun ka gumawa ng plano..mothers are terror but they will help lalo't alam nila na ipaglalabana mo 

how far along is your gf/cous kung delayed na sya..do you remember the date? and if she will reply, she needs to do a pregnancy test

Yep! Totoo yan.

Pangasinan probinsya ng nanay ko. :D

San probinsya mo 9/9?

  • Upvote 1

Share this post

Link to post
Share on other sites
On 6/11/2017 at 11:58 PM, 9/9/2004 said:

ok ROZE, will support you dude....i will also pray for you both ading..antayin mo si kuya Pooch mo din mag reply ( sorry Pooch, bata mga ito, hahahaha )

atm medyo liyo pa ako from night shift kasi ako and day shift ako ngayon at baka mamaya na kita uli madadamayan sa pag uwi pagtulog at pag gising ko, hehehehehe

mag type ka lang ng nasa loobin mo mababasa din namin yun

stay strong, be positive, and yes fight til the end..

hahaha! napansin ko nga. :P

9/9, I have been there too naalala ko... during when I was 19 or 20. hehe. Sabi ko sa sarili ko, ako ang lalake... siya ang babae. Kung may driver man ng kotse, it's going to be me. Nakakalito kasi parang mag-isa ka lang na magdedesisyon. Pero talagang ganun. Parang mag-isa ka lang pero sa totoo hindi. Kasi bukod sa kasama mo si Lord, kasama mo rin ang gf mo. Nasa tabi mo lang at nakasuporta lang. After that realization, I have become calm. Andami kong buntong-hininga. Pero sabi ko sarili ko eh kailangan ko ng clear mind before doing anything. Bago kami naghiwalay ng gf ko kasi papunta na ako ng Canada at siya ay maiiwan sa Pinas, sabi ko tuloy pa rin kami...kahit LDR. Pero sabi ko sa kanya "Magaral ka ng mabuti ha?" Yun ang last words ko sa kanya bago kami maghiwalay.

Just last week, after almost 15 years na naming sa relationship, we looked back yung time na yun. Natatawa kami pareho habang nanonood sa tv kasi parang kailan lang. Pero sobrang vivid ng pangyayari sa NAIA nun. Bakit? Kasi hindi daw ako sweet. lol. Kasi hindi ko daw siya niconsole. Tapos sabay palo sa akin sa braso kasi para daw I don't care. And nagiging emotional siya pero ako parang wala lang....

Well, sa totoo lang, I do care...and I love her.. and I would want to take her kung pwede lang. Pero sabi ko sa kanya eh mag-aral siya ng mabuti kasi gusto kong magkaroon kami ng magandang kinabukasan once na nagkita ulit kami. Pag pinairal ko ang pagiging mapusok ko nun, susmaryosep, walang mangyayari sa amin parehas. Kailangan kong magpakatatag, magkapalakas at talagang i-carry ang relationship...

In modern analogy, kung fan ka ng NBA, kung may Russell Westbrook ang OKC, dapat maging ganun ka. ;) 

Personally, kasi I know na my girlfriend/cousin is worth it e. Worth it na magsacrifice ng luha, ng oras, ng pawis, even ng pera sa kanya. I want na magkaroon ng magandang trabaho, irerespeto ng both families namin at hindi kami maaapi ng kung sinu-sino. Alam mo yun?

So now, after 14 years, no one dare say anything sa amin (I guess at least for now...kasi di pa kami nagsasabi eh). Yes, nandun pa rin yung social stigma..the this and that na kasama sa relationship.. But then I do believe that it is normal eh.. Ika nga eh, Lahat ng relationships ay may in-laws. lol

So worth it ba kaya itong si gf ni Roze? He has to set your standards high pagdating sa bagay na ito. Kung hindi siya worth it, don't hesitate to drop the entire relationship... Wag kang matakot to lose her. And I am saying this as a man sa kanya. Alam mo yun? 

Roze, kung may nangyari na sa inyo, edi may nangyari na. Own it. If it is a sin, then own it. Kumbaga, kung nagturnover si Russell Westbook, it's gonna be on him. Not that you care ah. Of course, medyo serious thing ang premarital sex...maraming consequences yan to both of your bodies, your relationships, your spiritual condition, your view with her family and her view of your family and so on and so forth...bagay na hindi ko na kailangan pang iexplain sa iyo kasi matanda ka na eh.. Pero you have to own it pare. Kailangang akuin mo yan. Si David sa OT, nangasawa ng wife ng iba, pumatay pa (lol), pero inako niya eh. Nagkasala siya sa pangangalunya and he man up in owning it.

I will  continue sa next posts....

Pooch

  • Like 1

Share this post

Link to post
Share on other sites

Update me sa mga susunod na pangyayari Roze.

We are not here to judge you nor to tell you something na makakasama sa iyo. Marami kang karamay dito sa forum. :) I wish you all the best sa relationship at sa gf mo. :)

I-regards mo kami ni 9/9 sa kanya. hehehe.. Atsaka kung sakali, pwede mo rin siyang pasalihin dito. :) I know na medyo nalilito-lito pa yun sa kung anong dapat gawin or whatnot..pero pag-usapan ninyong maigi kung anong tamang step. Ako brad, marami na rin akong instances na "muntikang mahuli" if you know what I mean (lol) pero so far hindi pa kami nagsasabi eh.. Wala pa ang revelation day ko...pero I know na darating na rin yun..and it will come soon. :)

Nakakainggit ka nga eh! Kasi buti ka pa wala ka ng kailangan pang itago. When your mom asked her and nagtapat siya, anong sabi ng mom mo? Yes she is okay with cousin marriage pero anong sabi niya as a mom sa iyo? Alam na rin ba ng dad mo? How about yung mga kapatid mo?

Anyhow, post ka lang... si 9/9, workaholic yan sa shift niya kaya panakaw-nakaw lang ng posts yan via his cellphone. (tama ba ako? lolz) pero mabait yan.. Niyaya niya nga rin ako ng inuman eh.. Sabi ko sa kanya, sige payag ako pero since hindi ako umiinom, softdrinks lang ang akin... ako na bahala sa pulutan/snacks. lol :D

Pooch

  • Upvote 1

Share this post

Link to post
Share on other sites
7 hours ago, pooch said:

Yep! Totoo yan.

Pangasinan probinsya ng nanay ko. :D

San probinsya mo 9/9?

Pooch, 

baka kamag anak kita hahahahaha, pangasinan nanay ko, Binalonan, Pangasinan...

kamusta buhay dyan sa lugar mo? dito napaka init na hahahahahaha

Roze update ka ha...again wag padalos dalos....hindi lahat ng kilos na biglaan ay tama.....parang pagpili ng tamang restuarant yan kapag gutom na gutom ka at hindi mo maintindihan ang nakasulat sa menu....kaya hinay hinay and kung positive si gf cous mo, congrats

9/9/2004

Share this post

Link to post
Share on other sites

Kuya pooch, at kuya 9/9

Payag na po si mama actually, kinausap ko si mama thru phone, at sinabi ko ang aking saloobin, ang mga pangako at revelation ng Panginoon sa amin. at yun, tumatawag ako na umiiyak na parang bata, si mama ay kalmado lamang na sumasagot sakin at sinabi niya na "yan ang hinintay ko sa iyo anak, kung anong ikakabuti yung ang gagawin naten, tatanggapin ko para sayo anak ko" at that time grabe na yung hagulgol ko.

Naghihintay nalang po kame ng go signal para humakbang kase hindi po talaga daw basta basta. Napaka buti nga talaga ng Panginoon hindi niya tayo binibigo sa mga ganitong mga bagay. sabi nga sa Josue 10:25 "At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban". kaya tumiwala lang talaga tayo sa Diyos kase sa ating sariling kakayahan lamang ay wala tayong magagawa, at na quote nga ng International Pastor Morris Cerullo na "The right confession leads to the possession of the things that you desire. God said, we can have what we say" pero hindi lang dito matatapos, kahit mayroon na ang promise ng Panginoon pero hindi natin hinahakbangan, patay ang pananampalataya natin, kaya ang naging susi ko sa kalagayan namin ngayon ay panalangin at action of faith. Binigyan na ako ng Panginoon ng tagumpay. GOD IS GOOD!!

Alam na to ng gf ko and she's planning to talk with my mom to fully say sorry din, kase halos patayin namin si mama sa problema na ito, our families are only living by faith, at syempre sa ikakabuti ng lahat kaylangan talaga isaayos, (sa amin kase, once napasok na ang lalake at babae sa sin, marriage/basbas ang immediate solution) at dito nga kase sa pinas bawal ang magpinsan, ang Panginoon na ang bahala (pwedeng magpakasal actually basta itago mo lang yung fact na magpinsan kayo sabi ng kakilala ko, ganon daw ginawa ng mga magulang niya, pareho pa ang mga apelyido ng mga yun ah) 

Sabi na rin ng mom ko na, siya na ang bahala para mag explain sa kapatid niya at sa hipag niya, and this coming week pupunta ako ng manila para masabi sa mga kapatid ko, process by process po kase, sa sambahayan muna namin bago kame pumunta sa kanila. Oo maraming doubts, maraming negatives, pero nagsalita na ang Panginoon, bakit hindi tayo tumiwala? Hinihintay lang din kase tayo na sabihin na hindi na natin kaya. at medyo minamadali ko na rin po kase , i want my/our MIRACLE now! and that's what we called faith.

Hanapin lang po natin ang mukha ng Panginoon. To GOD be all the GLORY. At naunawaan ko na hindi kase ang sarili naten ang igloglofiry natin dito, all things work together for good eka nga. ang lahat ng bagay na to ay para maluwalhati ang pangalan ng Panginoon nating Diyos.

Edited by Roze

Share this post

Link to post
Share on other sites

At kinukuha ko na ring pagkakataon eto para lalong maluwalhati ang Panginoon, kung sino man ang makabasa nito, tayo'y magpakatotoo sa ating mga sarili at tanggapin siya bilang ating taga pagligtas 

Mano'y basahin nyo po to ng tunay na may pagsisi... 

Dear Lord Jesus,

I know that I am a sinner and need Your forgiveness. I believe that You died on the cross for my sins and rose from the grave to give me life. I know You are the only way to God. So now I want to quit disobeying You and start living for You. Please forgive me, change my life and show me how to know You. In Jesus’ name. Amen.

Ikaw na nagbabasa neto, oo ikaw! Mahal na mahal ka ng Dyos, kaya ikatiwala mo sa kanya ang lahat ng iyong binabaka :);)

Share this post

Link to post
Share on other sites
2 hours ago, Roze said:

Kuya pooch, at kuya 9/9

Payag na po si mama actually, kinausap ko si mama thru phone, at sinabi ko ang aking saloobin, ang mga pangako at revelation ng Panginoon sa amin. at yun, tumatawag ako na umiiyak na parang bata, si mama ay kalmado lamang na sumasagot sakin at sinabi niya na "yan ang hinintay ko sa iyo anak, kung anong ikakabuti yung ang gagawin naten, tatanggapin ko para sayo anak ko" at that time grabe na yung hagulgol ko.

Naghihintay nalang po kame ng go signal para humakbang kase hindi po talaga daw basta basta. Napaka buti nga talaga ng Panginoon hindi niya tayo binibigo sa mga ganitong mga bagay. sabi nga sa Josue 10:25 "At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban". kaya tumiwala lang talaga tayo sa Diyos kase sa ating sariling kakayahan lamang ay wala tayong magagawa, at na quote nga ng International Pastor Morris Cerullo na "The right confession leads to the possession of the things that you desire. God said, we can have what we say" pero hindi lang dito matatapos, kahit mayroon na ang promise ng Panginoon pero hindi natin hinahakbangan, patay ang pananampalataya natin, kaya ang naging susi ko sa kalagayan namin ngayon ay panalangin at action of faith. Binigyan na ako ng Panginoon ng tagumpay. GOD IS GOOD!!

Alam na to ng gf ko and she's planning to talk with my mom to fully say sorry din, kase halos patayin namin si mama sa problema na ito, our families are only living by faith, at syempre sa ikakabuti ng lahat kaylangan talaga isaayos, (sa amin kase, once napasok na ang lalake at babae sa sin, marriage/basbas ang immediate solution) at dito nga kase sa pinas bawal ang magpinsan, ang Panginoon na ang bahala (pwedeng magpakasal actually basta itago mo lang yung fact na magpinsan kayo sabi ng kakilala ko, ganon daw ginawa ng mga magulang niya, pareho pa ang mga apelyido ng mga yun ah) 

Sabi na rin ng mom ko na, siya na ang bahala para mag explain sa kapatid niya at sa hipag niya, and this coming week pupunta ako ng manila para masabi sa mga kapatid ko, process by process po kase, sa sambahayan muna namin bago kame pumunta sa kanila. Oo maraming doubts, maraming negatives, pero nagsalita na ang Panginoon, bakit hindi tayo tumiwala? Hinihintay lang din kase tayo na sabihin na hindi na natin kaya. at medyo minamadali ko na rin po kase , i want my/our MIRACLE now! and that's what we called faith.

Hanapin lang po natin ang mukha ng Panginoon. To GOD be all the GLORY. At naunawaan ko na hindi kase ang sarili naten ang igloglofiry natin dito, all things work together for good eka nga. ang lahat ng bagay na to ay para maluwalhati ang pangalan ng Panginoon nating Diyos.

Hi Roze,

Salamat sa post. :)

Hmm.. Tanong ko lang, magkaparehas ba kayo ng apilyedo? 

Pooch

Share this post

Link to post
Share on other sites
15 hours ago, pooch said:

Hi Roze,

Salamat sa post. :)

Hmm.. Tanong ko lang, magkaparehas ba kayo ng apilyedo? 

Pooch

Hindi po

Share this post

Link to post
Share on other sites

Well Roze,

Congrats at kahit papaano naka tulong kami...paano ba yan Pooch, tayo nasa ere parin, nyahahahahaha...pero happy para sayo Roze

Pooch darating din tayo dyan hindi ba?hahahahaha

9/9/2004

Share this post

Link to post
Share on other sites

Guys, mga kuya. Basta sa Panginoon lang tayo manangan. Wala tayong magagawa sa sariling kakayanan mga kuya.

Share this post

Link to post
Share on other sites
10 hours ago, 9/9/2004 said:

Pooch, 

baka kamag anak kita hahahahaha, pangasinan nanay ko, Binalonan, Pangasinan...

kamusta buhay dyan sa lugar mo? dito napaka init na hahahahahaha

Roze update ka ha...again wag padalos dalos....hindi lahat ng kilos na biglaan ay tama.....parang pagpili ng tamang restuarant yan kapag gutom na gutom ka at hindi mo maintindihan ang nakasulat sa menu....kaya hinay hinay and kung positive si gf cous mo, congrats

9/9/2004

9/9

Hahaha.. Ganun? Pangasinan pala parehas tayo. Ayos. lol

Galing San Nicolas lola (nanay ng nanay ko) eh. Mga pinsan ng nanay ko ay galing Asingan. Nung bata pa ako (mga late 80s), nagkaroon kami ng maliit na negosyo sa Urdaneta habang pinapagawa ng tatay ko yung bahay namin sa Marikina. Yung nanay ko tsaka yung papa ng gf ko ang magkapatid (or half-siblings ata kasi still disputable eh). Quite an interesting story pero sa susunod na lang muna. lol

Dito sa kung nasaan ako, mainit na rin -- summer na kasi dito eh. Ang summer dito ay hanggang September. Pagdating ng September, palamig na nun.. Pero wala akong karapatang magreklamo --- mas mainit tingin ko kung nasaan ka. Middle east ka eh! hahahahaha

Pooch

  • Upvote 1

Share this post

Link to post
Share on other sites
Guest random123

ang ganda naman ng kwento ni Roze, buti ka pa natanggap ka ng mama mo. nakausap ko mama ko tinakwil na nya ko. patay na daw ako para sakanya. sinubukan ko sya paliwanagan ayaw nya, matanda na daw sya at sarado na daw isip nya. pero masaya ako para sayo Roze, kasi may pamilya ka pa din. aasa ko na balang araw e matatanggap din ng pamilya ko relasyon namin.

  • Upvote 1

Share this post

Link to post
Share on other sites

ang ganda ng story ni Roze. buti ka pa natanggap ka ng pamilya mo. buti natanggap ng mama mo. happy for you. umaasa ko na balang araw matatanggap din kami.

  • Upvote 1

Share this post

Link to post
Share on other sites

Hello guys, pasensya na ngayon lang ulit nakapag online. Tagumpay na po, tanggap na po kami, kasama ko na po siya dito sa bahay. busy busy na rin po kase, you know what guys, im very thankful kay God for the grace he bestowed upon us. Nangingiti ako hanggang tenga at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa mga nangyare hehe. Sa july 25 na po ang kasalan, ang bilis ano? Ganyan kumilos ang ating Panginoon. The only thing we have to do is to trust Him, and wait for His perfect timing. Love you all. Invited kayong lahat ;)

- Roze

  • Upvote 1

Share this post

Link to post
Share on other sites
11 hours ago, Roze said:

congratulations Roze

God Bless you both always

9/9/2004

Share this post

Link to post
Share on other sites
4 hours ago, 9/9/2004 said:

congratulations Roze

God Bless you both always

9/9/2004

9/9 and pooch, sa inyo ba alam na din ng mga pamilya nyo? Sakin kasi nalaman na pero ayaw na ayaw nila. 

Share this post

Link to post
Share on other sites
56 minutes ago, random123 said:

9/9 and pooch, sa inyo ba alam na din ng mga pamilya nyo? Sakin kasi nalaman na pero ayaw na ayaw nila. 

Pano nalaman, ikwento mo tol, ilabas mo samin, makakaramay mo kami, anyways anonymous naman ang bawat isa dito, kaya wag ka pong matakot mag kwento dito

Share this post

Link to post
Share on other sites
5 hours ago, 9/9/2004 said:

congratulations Roze

God Bless you both always

9/9/2004

Salamat 9/9/2004
Salamat sa pagiging parte niyo sa kwento ng pagmamahalan namin hehehe

Share this post

Link to post
Share on other sites
On 7/9/2017 at 11:39 AM, random123 said:

9/9 and pooch, sa inyo ba alam na din ng mga pamilya nyo? Sakin kasi nalaman na pero ayaw na ayaw nila. 

random123,

share mo kwento mo pasensya at medyo nabusy lang, pati siguro un c pooch

9/9/2004

Share this post

Link to post
Share on other sites
Guest jayjay

Kami rin mas mahirap ang pagsasama namin kasi gf ko ang kapatid ko sa ama.pero subrang mahal na mahal namin ang isat isa.hindi ko naman kasi alam na kapatid ko ung gf ko kasi magkatxt na kami noon.nagkita kami sa lucena at ang sabi ko nagpaalam kaba sa magulang mo na aalis ka sa kanina.sabi sakin oo dw.tapos pinaalam ko ky mama na my gf na ko.tinanong ako ni mama qng ano dw ang pangalan at apelyedo ng gf ko.nong sinabi ko ky mama ung pangalan at apelyedo nagulat si mama sakin.sabi sakin ni mama.kapatid ko dw ang gf ko.sabi ko naman pano po ngyare un ay hindi naman kami magkaapelyedo.sabi sakin ni mama.ang apelyedo ko dw ky mama kinoha.tapos ung apelyedo ng gf ko sa ama ko dw kinoha.pero anak dw un ng ama ko sa ibang babae.si mama ang unang napangasawa ng ama ko.hindi sila kasal.at ang pangalawang napangasawa ng ama ko ay kasal dw sila kaya ang apelyedo ng gf ko ay kinoha sa ama ko.kaya sabi sakin ng mama ko.hindi dw kami pwd mag sama at magkaanak kasi dw magkdugo kami sa ama.1yr na kami nag sasama ng gf ko na kapatid ko pala.nag matigas lang ako ky mama.sinabi ko ky mama na mahal na mahal ko ang gf ko na anak pala ng ama ko.pero pumayag din si mama na magsama kami.pero ito lang ang sinabi sakin ng mama ko.baka dw mag sese kami sa huli.sabi ko ok lang sakin pinaghahandaan ko na un.ang prob naman sa mama ng gf ko.kasi sinabi ni mama na magkapatid kami sa ama.sabi naman ng mama ng gf ko.kaya dw pala kamokha ko ang ama ko.hindi dw kami nagkalayoan sa mukha capy na capy dw.pero nag usap ung dalawa mama ko at mama ng gf.oo naging ok un.tinanggap ng mama ng gf ko.pero my problema pa.ako na mismo ang nag sabi sa ama ko na gf ko ang anak nya sa iba.oo tinanggap ko ang mga murang lumabas sa aking ama.isa lang ang sinabi ko.mahal na mahal ko ang anak mo.nag away kami ng aking ama.pinaglaban ko ang mahal ko.sinabihan pa ako ng ama ko na papakolong dw ako.sinombong ko ung ky mama na ipapakolong dw ako.ehh alam naman nating ang ina nating ay hindi nakakatiis sa anak nila kaya pinagtanggol pa rin ako ng mama ko sa ama ko.ang hirap db.pero ang mas nahihirapan samin.ang mga magalang naming dalawa ng gf ko.kahi nag usap ung mama ko at mama ng gf ko na wag na daw ipagkalat na magkapatid kami sa ina.ang hirap diba.23 na ko ngaun at ang gf kong kapatid sa ama ay 22 na

Share this post

Link to post
Share on other sites
Guest Ace♠️

Hi .ako rin ifall in love sa pinsan ko .

alam nmn mahirap pag dadaanan nmn pro pareho nmn gustong ipag laban.

din planning kami mag pakasal pro .pano .ska pwde ba kht kasulatan lng n simple bsta my witness.kc imamagrate ako ng. Mother ko s canada .dot di ako merried.pro gsto nmn ikasal kht kasulatan lng..pwde kaya un

pinsang buo kami.

salamat

Share this post

Link to post
Share on other sites

Hello,

Una sa lahat, congrats sa iyo Roze! :) Nakakatuwa kapag may ganitong mga balita.

Dumadaan pa rin naman ako dito.. pasilip-silip from time to time. Pero medyo busy lang sa trabaho pero bumibisita ako dito siguro twice a week. hehe.

Random123, share mo naman kwento mo. Paano nangyari? Ilang taon ka na nga pala ulit?

Pooch

Share this post

Link to post
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now

×
×
  • Create New...